Ibinigay sa apat na miyembro ng Swedish pop quartet na ABBA, na sumikat sa 1974 Eurovision Song Contest sa kanilang love song na “Waterloo,” ang isa sa pinakaprestihiyosong knighthoods sa Sweden mula kay Swedish King Carl XVI Gustaf.
Ipinagkaloob ang Order of the Vasa sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 50 taon kung saan ang apat na miyembro ng ABBA ay “Commander of the First Class” ng nasabing order para sa “very outstanding efforts in Swedish and international music life.”
Maraming orders ang Sweden, kabilang ang Royal Order of Seraphim na ibinibigay sa head of state at foreign royals, at ang Royal Order of the Polar Star na ibinibigay naman sa foreign citizens at stateless persons.
Ang Royal Order og Vasa, na ibinibigay bilang pagkilala sa personal efforts para sa Sweden at Swedish interests maging ang matagumpay na performance ng public duties at assignments ay natulog hanggang nitong 2022 nang ito ay muling binuhay matapos na buksan muli ang Royal Orders sa mga mamamayan ng Sweden.