Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang bayan ng Villaviciosa sa Abra kaninang 2.48 ng madaling araw na naramdaman din sa Cagayan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), aftershocks ito kasunod ng 7.0 magnitude na lindol sa Abra noong nakaraang Linggo kung saan tectonic ang pinagmulan nito at may lalim itong 22 kilometro.
Naitala naman ng Phivolcs ang Intensity V sa Bantay, Ilocos Sur; Intensity IV sa Bangued, Abra at Intensity III naman Baguio City.
Naramdaman din ang pagyanig sa Vigan at Sinait sa Ilocos Sur, Pasuquin at Laoag City sa Ilocos Norte, Tabuk city sa Kalinga, Claveria at Penablanca sa Cagayan sa Intensity II, Dagupan City sa Pangasinan at Ilagan sa Isabela.
Naitala naman ng Phivolcs ang Intensity V sa Ilocos Sur, Ilocos Norte at Mountain Province.
Intensity IV sa Bangued, Abra; ilang bahagi ng Ilocos Norte at Ilocos Sur; La Union; Bontoc at sa bahagi ng Mountain Province
Intensity III naman sa Baguio City; Flora, Santa Marcela, Apayao; Tabuk City, Kalinga; Bauko and Tadian, Mountain Province; Luna, Apayao; Tuguegarao City, Lal-lo, Allacapan, Gattaran, Lasam, Amulung, Claveria, Sanchez Mira, Abulug, Cagayan
Intensity II – Santiago City, Ramon and Quezon, Isabela; Cabarroguis, Quirino; Aparri, Cagayan
Intensity I – Itogon, Benguet
Instrumental Intensities:
Intensity V – Vigan City, Ilocos Sur
Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity III – Laoag City, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur
Intensity II – Tabuk, Kalinga; Claveria and Penablanca, Cagayan
Intensity I – Baguio City; Dagupan City, Pangasinan; Ilagan, Isabela