TUGUEGARAO CITY- Isasagawa na sa Lunes,April 29,2019 ang absentee voting para sa mga pulis ng PNP Region 2.

Sinabi ni Police.Lt.Col.Chivalier Iringan, information Officer ng PRO 2 na 79 na pulis ang nag-avail sa absentee voting subalit 68 ang inaprubahan ng Commission on Elections Central Office.

Ayon sa kanya, ang mga denied ang kanilang application ay dahil sa natanggal ang kanilang mga pangalan sa list of voters dahil sa ilang eleksion na hindi sila bumoto.

Sinabi ni Iringan na magsisimula ang botohan 8:00 ng umaga sa PRO 2 na matatagpuan sa Tuguegarao City.

Kaugnay nito,sinabi ng opisyal na nakahanda na rin ang kanilang security measures para sa isasagawang absentee voting.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa niya na handa na rin sila para sa kanilang gagawing pagbabantay sa mismong araw ng halalan sa May 13,2019.