Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng isang abugado na nagpaputok ng kanyang baril sa bisperas ng pagsalubong ng Bagong Taon sa Solana, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PMSgt Alvin Tabunan ng PNP-Solano na kakasuhan ng attempted murder, alarm and scandal, illegal discharge at paglabag sa RA 10591 sa kabiguang magpakita ng kaukulang dokumento ng baril ang suspek na si Atty Alvin Endrinal, 39-anyos ng Barangay Quirino.

Una rito, inireklamo ng hipag ng abugado sa pulisya ang pagpapaputok nito ng baril dahil sa kanyang kalasingan.

Bago dinakip ay pinaputukan din ng abugado ang mga rumespondeng pulis gamit ang kaniyang short firearm subalit maswerteng walang tinamaan.