TUGUEGARAO CITY- Matagal na umanong hiniling ni Governor Manuel Mamba na magkaroon ng accessible road mula Brngy.Lattut na diretso sa poblacion ng Rizal, Cagayan na hindi na kailangang umikot sa Tuao, Cagayan at Conner, Apayao.
Sinabi ni Mamba na inilatag ang planong proyekto sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP bilang bahagi ng kampanya laban sa insurgency.
Samantala, nanawagan si Mamba sa mga LGUs na dalhin na mismo sa mga barangay ang mga ayuda para sa mga magsasaka na mula sa national government.
Ayon sa kanya, ito ay para maiwasan na maulit ang Apayao tragedy na ikinawi ng 19 katao matapos na mahulog sa bangin ang isang elf truck na sakay ang mga magsasaka mula Lattut na kumuha ng rice seeds sa poblacion ng Rizal.
Bago makabalik sa Lattut, kailangan na dumaan sa Tuao at Conner, Apayao.
Samantala, sinabi ni Mamba na ibibigay nila ang mga kaukulang tulong sa mga namatay at nasugatan sa nasabing trahedya.