Hindi nasiyahan si Chairperson Vlademir Quetua ng alliance of concerned teachers sa mga naging laman ng mensahe ni Pangulong Ferdinand Mracos Jr. sa kanyang SONA sa sektor ng edukasyon.

Ayon sa chaiperson ng nasabing grupo nais nilang marinig sana ang pagdodoble ng pondo sa edukasyon dahil sa mga nakalipas na limang buwan ang pondo nito ay 3.5% ng gross domestic product lamang kung saan walang nakitang itataas na pondo sa edukasyon.

Hindi lamang din aniya simpleng pagbabalik sa school calendar ang dapat pinagtutuunan ng pansin dahil kinakailangan ring makamit ng mga guro at mag aaral ang kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagtugon sa mga kakulangan nito gaya na lamang kung papaano ito gagawin at papaano maibibigay pa ang mga dagdag benepisyo sa mga guro at sektor ng edukasyon.

Isa aniya sa nabanggit ng pangulo ay ang pangangailangan ng moving force sa classroom ngunit hindi naman sinusuportahan at binabayaran ng tama ang mga guro dahil ilan sa mga ito ay patuloy paring nangungutang at kung minsan ay nagiging part time driver pa.

Ganundin sa usapin ng pagtaas sa sahod ng mga guro ngunit hindi parin naman alam kung kailan.

-- ADVERTISEMENT --

Malabo rin umanong makamit ng pangulo ang tinatawag nitong classroom gap dahil wala naman itong bold measures at nasa 165,000 ang kulang na classroom sa ngayon kaya’t magtutuloy tuloy parin ang kanilang panawagan sa pangulo ganundin ang pakikipag usap sa bagong kalihim ng DEPED.

Idinagdag pa ni Quetua ang datos ng DEPED na 30 percent ng mga nagreretire ay hindi nakukuha ang kanilang pensyon.

Kinakailangan rin aniyang manguna ang pangulo sa pagdodoble sa pondo ng edukasyon dahil dito nanggagaling kung bakit hindi maganda ang performance ng pilipinas sa mga international rankings.