Tuguegarao City- Nangangamba ang Alliance of Concerned Teachers sa posibleng pagdami ng matatamaan ng COVID-19 sa pagbubukas ng pasukan ngayong taon.

Sinabi ni ACT Partylist Representative France Castro, umabot na sa 65 na mga guro ang tinamaan na ng virus batay sa kanilang datos.

Aniya ay tahimik ang kagawaran ng edukasyon sa nasabing usapin.

Ayon sa kanya ay kailangang ilabas ng DepEd ang mga datos upang makagawa ng mga aksyon para maprotektahan ang mga guro.

Kaugnay nito ay umapela ang ACT Partylist sa DepEd ng pagsasagawa ng mass testing sa mga guro upang matukoy ang kanilang kondisyon laban sa COVID-19.

-- ADVERTISEMENT --