Kinumpirma ng isa sa mga anak ng pumanaw na National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor na ang rason ng pagkamatay ng ina ay dahil sa “acute respiratory failure.”
Sinabi ni Ian na hindi totoo ang mga naunang kumalat na balitang namatay si Ate Guy habang inooperahan sa puso.
Aniya, nahirapang huminga si Ate Guy pagkatapos ng operasyon.