TUGUEGARAO CITY-Pasisinayan sa ika-15 ng Pebrero ang bagong Acute Stroke Unit at Animal Bite Center ng Cagayan Valley Medical Center sa lungsod ng Tuguegarao.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, layon nitong mabigyan ng sariling ward ang mga pasyente na na-stroke at mga nakagat ng mga hayop.
Aniya, sampung neurologist kasama ang isang child neurologist ang itatalaga sa Acute Stroke Unit na may walong bed capacity
Ayon kay Baggao na malaking tulong ito sa mga pasyente para matutukan ng mga espesyalista ang kanilang kondisyon.
Ginawa naman ang Animal Bite Center para bigyan din ng agarang aksyon ang mga nakakagat ng mga hayop tulad ng aso, pusa at ahas kung saan nasa walo hanggang sampung nurses ang sumailalim sa training na tutugon sa pangangailangan ng mga pasyente.
Bukod dito, sinabi ni Baggao na bago matapos ang buwan ng Pebrero ay isasagawa ang groundbreaking ng ipapatayong communicable disease building.