Hinatulan ng korte sa Los Angeles, California ang isang administrator ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ipinag-utos ni Judge Terry Hatter Jr. ng United States District Court, Central District of California ang agarang commitment ni KOJC administrator Marissa Duenas sa Bureau of Prisons.

Una rito, nag-plead guilty si Duenas sa Count 7 ng superseding indictment, na kinabibilangan ng visa fraud at sham marriages.

Batay sa court records, natapos na ni Duenas ang prison term na ipinataw ng korte at sa halip ay isasailalim siya sa supervised release sa loob ng dalawang taon.

Sa ilalim ng supervised release, kailangan na sumunod si Duenas sa lahat ng ipinataw na mga kundisyon ng korte.

-- ADVERTISEMENT --

Siya ay dapat na walang magagawang krimen o paglabag sa anomang local, state, o federal laws.

Si Duenas ang nagsilbing human resources leader ng KOJC sa United States.

Siya ang responsable sa pangongolekta at pagkuha ng mga pasaporte at mga dokumento na may kaugnayan sa immigration ng mga manggagawa ng KOJC upang mapigilan na magkaroon sila ng access sa kanilang mga sariling records.

Siya rin ang nagsagawa ng pagproseso sa pekeng immigration documents, kabilang ang sham marriages at student visas, upang manatili ang mga nasabing manggagawa sa US at mag-solicit ng mga donasyon para sa KOJC.