CTTO

TUGUEGARAO CITY-Nasa proseso na ang dokumento ng 25 Chinese National na nag-apply ng Alien Employment Permit (AEP) na kasalukuyang nagtatrabaho sa Chico river pump irrigation project sa Pinukpuk, Kalinga.

Ayon kay Dr. Avelina Manganip, head ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Kalinga, nagsagawa ng validation ang kanilang hanay sa 25 Chinese National batay na rin sa direktiba ng kanilang Regional Office kung saan mula sa 25 ay 22 lamang ang kanilang nakausap dahil nasa China ang tatlo para sa kanilang vacation leave.

Aniya,batay sa kanilang isinagawang validation, kumpleto ang mga dokumento na ipinakita ng mga Chinese national para sa kanilang AEP.

Paliwanag ni Manganip, na- delay ang mga Chinese National sa pagkuha ng kanilang AEP dahil hindi umano alam ng mga ito kung saan sila mag-aaply para sa naturang permit.

Sinabi ni Manganip na ito ay dahil dalawang rehiyon ang may sakop ng naturang proyekto, ito ay ang Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley kung kaya’t naguluhan ang mga Chinese National.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila nito, ayon kay Manganip, ang mga Chinese National pa rin ang pumili kung saan nila gustong mag-apply ng kanilang AEP dahil pare-parehas naman ang mga hinihinging dokumento at kanilang napili CAR.

Tinig ni Avelina Manganip

Bagamat nasa proseso na ang mga dokumento ng mga Chinese national para sa AEP, kailangan pa rin nilang magbayad ng kanilang penalty dahil buwan pa ng Enero ay nasa bansa na ang ilan para magtrabaho.

Aniya, magbabayad ng tig-P10,000 ang mga manggagawang Chinese National at P10,000 din ang kumpanya na may hawak ng nasabing proyekto.

Tinig ni Avelina Manganip

Kinuha ang mga Chinese national para magtrabaho sa bansa para punan ang mga pangangailangan ng tauhan sa naturang proyekto tulad tunneling engineer.

Ani Manganip, may mga highly technical function sa naturang proyekto na walang nag-file na Filipino at ilan sa mga equipment ay mula sa China kung saan ang mga nakalagay na instructions ay nakasulat sa Chinese language kung kaya’t kinakailangan ng kumpanya ang mga manggagawang Chinese nationals.

Sakabila nito, karamihan pa rin sa mga nagtatrabaho sa naturang proyekto ay mga Filipino na nasa humigit kumulang na 300.