Naghain ng petisyon ang isang leader ng Aeta mula sa Zambales sa local Commission on Elections (Comelec) office, at hiniling na tanggapin at iproseso ang kanyang certificate of candidacy (COC) at payagan siya na tumakbo sa 2025 elections.

Nais ni Chito Balintay Sr., 66, na hamunin si incumbent Gov. Hermogenes Ebdane Jr., na naghain din ng kanyang COC para sa kanyang ikatlo at huling termino at nananatiling unopposed base sa records ng Comelec.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Balintay na nagtungo sila sa Provincial Comelec office sa Zambales sa Iba kasama ang mga supporters na na mga Aeta at isinumite ang kanyang COC noong Oct. 8, huling araw ng filing ng COC.

Ayon sa kanya, sinabi sa kanya ng clerk na kulang ang kanyang mga dokumento, kaya inatasan siya na bumalik kapag nakumpleto na ang mga ito.

Subalit, pagbalik niya ay tinanggihan umano ng Comelec ang kanyang aplikasyon, dahil sa lampas na siya sa oras na 5:03 p.m.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, ang pagkakaantala, kung meron man ay resulta ng incompelete initial assessment ng Comelec clerk na nagsagawa ng evaluation sa isinumite na COC bago ang 5: p.m., at ito ay dahil sa pagsunod niya sa instruction sa kanya ng clerk.

Binigyang-diin ni Balintay, na ang hindi pagtanggap ng Comelec sa kanyang COC, sa kabila ng kanyang pagsunod sa clerical instructions at nakarating naman sa oras, dala ang mga kailangang dokumento ay isa umanong pagkait sa equal protection at due process.

Si Balintay ay Aeta leader na kabilang sa Indigenous peoples ng Zambales at nagsilbi siyang Indigenous Peoples’ representative at ex-officio Board Member ng Provincial Board.

Siya rin ay ang unang Provincial Officer ng National Commission of Indigenous Peoples.