
Nagsagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Australian Defence Force (ADF), New Zealand Defence Force (NZDF), at United States Navy ng joint military defense exercise sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa AFP, nagsagawa ang apat na nasyon ng Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA)mula sa October 30 hanggang 31, 2025.
Ang pinakahuling 12th MMCA, ayon sa AFP, na ito ay kasunod ng matagumpay na pagkakakumpleto ng 11th iteration na isinasagawa nitong buwan ng Setyembre.
Sinabi ni AFP public affairs office chief Colonel Xerxes Trinidad na layunin ng aktibidad na igiit ang commitment ng apat na nasyon sa rules-based international order at katatagan sa Indo-Pacific region.
Nag-deploy ang AFP ang missile frigate BRP Jose Rizal (FF150), kasama ang specialized NH441 AW159 at C-208 surveillance aircraft, at ang A-29B Super Tucano close air support aircraft.
Nagbigay naman ang partner forced ng specialized assets tulad ng frigate HMAS Ballarat (FFH155) at ang MH-60R Seahawk maritime helicopter, ang NZDF’s replenishment vessel HMNZS Aotearoa (A11), at ang US Navy’s Arleigh Burke-class destroyer USS Fitzgerald (DDG-62).










