Nananawagan si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa publiko na huwag mag panic kasunod ng umano’y planong pagpapakawala ng hypersonic missile ng China sa 25 na lugar sa bansa.
Ayon kay General Brawner, sa ngayon wala silang natatanggap na ulat hinggil sa inilabas na pahayag ni Senator Imee Marcos.
Aniya, nagtutulungan ang AFP at maging ang security sector para tugunan ang nasabing usapin.
Sabi ni Brawner na nasa proseso pa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag validate sa ulat na may 25 lugar sa bansa na target ng hypersonic missile ng China.
Sa ngayon nakikipag ugnayan ang AFP sa tanggapan ng senadora para makakuha pa ng mga impormasyon ukol dito.
Una ng inihayag ng AFP na hindi nila minamaliit ang nasabing ulat, gayunpaman nakahanda ang militar na protektahan ang ating teritoryo at ang bansa.