Inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Romeo Brawner Jr. na dapat na mag-resign ang active military personnel kung gusto nila na maglabas ng kanilang partisan political opinions.

Iginiit ni Brawner na ang AFP service members ay dapat na manatili na tapat sa Konstitusiyon.

Sinabi ni Brawner na kinikilala niya na bawat isa ay may political opinions at political inclinations, subalit habang nasa serbisyo ay kailangan na sundin ang Saligang Batas at protektahan ang bansa.

Kumpiyansa si Brawner na hindi hahantong sa “adventurism” ang mga sundalo at manatili silang professional.

Ginawa ni Brawner ang pahayag kasunod ng panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na itama sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez dahil sa tinawag niyang “fractured government.”

-- ADVERTISEMENT --