Nagpahayag ng suporta ang Armed Forces of the Philippines o AFP kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. matapos siyang patawan ng sanctions ng pamahalaan ng China.

Ayon sa AFP, ang mga pahayag ni Teodoro sa iba’t ibang international forum ay nakabatay sa international law, sa 2016 Arbitral Award, at sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Iginiit din ng militar na ang hakbang ng China ay maituturing na pagtatangkang takutin ang mga opisyal na nagsusulong ng pambansang interes.

Matatandaang ipinagbawal ng China ang pagpasok ni Teodoro, kasama ang kanyang asawa at anak, sa mainland China, Hong Kong at Macau dahil umano sa mga pahayag nito na nakaaapekto sa interes ng Beijing.

Sa kabila nito, tiniyak ng AFP na magpapatuloy ang kanilang maritime at aerial patrols sa West Philippine Sea at mananatiling matatag sa pagtatanggol sa soberanya at karapatan ng bansa.

Samantala, sinabi rin ni Teodoro na ipagpapatuloy niya ang kanyang tungkulin bilang kalihim ng tanggulang pambansa sa kabila ng ipinataw na sanctions.

-- ADVERTISEMENT --