CTTO

TUGUEGARAO CITY-Nakahanda ang hanay ng kasundaluhan sa anumang hakbang ng makakaliwang grupo kasunod nang pagtigil ng unilateral ceasefire na unang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Major General Pablo Lorenzo, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army, bagamat nakafocus ang mga kasundaluhan sa pagbabantay sa mga iba’t-ibang checkpoint area, hindi nila isinasantabi ang posibleng pag-atake ng mga miembro ng New Peoples Army (NPA).

Sinabi ni Lorenzo na limitado na ngayon ang galaw ng mga makakaliwang grupo partikular ang mga nasa region 02 at maging sa Cordillera Administration Region dahil mababa ang kanilang bilang.

Sa ngayon,mahigit isang daang checkpoint area ang nakalatag bilang pag-iingat sa covid-19 sa Region 2 at CAR kung saan nagbabantay ang kanilang kasundaluhan katuwang ang PNP at DOH.

Tinig ni Major General Pablo Lorenzo

Samantala, sinabi ni Lorenzo na nasa mahigit 1,000 pamilya na ang kanilang naging benipisaryo sa kanilang programang “kapwa ko, sagot ko”.

-- ADVERTISEMENT --