Bitbit ang mga chainsaw, nagsagawa ng paglilinis ang hanay ng philippine national police o pnp sa lalawigan ng Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya kung saan tinanggal ang mga malalaking puno na bumagsak sa mga daan dahil sa lakas ng hangin na dala ng bagyo.

Mahigpit din ang monitoring ng mga otoridad dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa mga kailugan.

As of 12PM, umabot sa 1,783 pamilya na katumbas ng 5,220 indibidwal ang inilikas sa evacuation centers sa lalawigan ng Isabela dahil sa epekto ng bagyong nika.

Ayon sa datos Disaster Operations Monitoring Report ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, ang mga lumikas ay mula sa 16 na mga bayan.

Samantala, patuloy na nakaantabay ang PSWDO upang tugunan ang mga pangangailangan ng evacuees.

-- ADVERTISEMENT --

Dito naman sa lalawigan ng Cagayan hindi maaaring madaanan ng anumang klase ng sasakyan dahil sa pag-apaw ng tubig bunsod ng magkakasunod na bagyo ang Taytay-San Isidro; Bagunot Bridge at Asinga Via-Dabbac Grande Bridge sa bayan ng Baggao, Cagayan; Natallag Overflow Bridge sa bayan ng PeƱablanca, Cagayan; Sitio masin, Iraga Bridge, Solana, Cagayan; Farm to Market road, Zone 4, Bangag, Lallo, Cagayan; Capacuan-Salungsong overflow bridge, Sta. Praxedes, Cagayan at Pinacanauan Overflow bridge, habang Passable sa mga Light Vehicles ang Tamuco-Balagan-Abariongan Ruar Road at Sto. Nino, Cagayan.

Una rito, ipinabatid din ng NIA Magat River Integrated Irrigation System ang bahagyang pagbubukas nito ng isang spillway gate kaninang alas kuwatro ng hapon

Pinagana rin ng Mariis Dam and Reservoir Division ang kanilang Early Warning Systems mula Ramon hanggang Gamu simula kahapon upang mag-abiso sa mga nakatira malapit sa pampang ng Ilog Magat.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga nakatira sa mga mababang lugar dahil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.