Matagumpay na isinagawa ang Exotic Food Fest sa Cagayan Farm School sa Brgy. Anquiray, Amulung kasabay ng ikatlong araw na pagdiriwang ng Aggao Nac Cagayan.
Sa nasabing kompetisyon ay itinampok ng mga representante ng 27 bayan na kalahok sa aktibidad ang kanilang iba’t ibang mga exotic recipes tulad ng fried buus, adobong cobra, dinakdakan at ginataang kuhol, natinolang native na manok, adobong paniki, adobong bayawak, gumamela salad at iba pa.
Bawat bayan na kasama sa kompetisyon ay nagluto ng nasa anim na iba’t ibang potahe at ang mga ito naman ay ipinatikim sa mga judges at sa mga dumalo sa nasabing aktibidad sa pangunguna ni Cagayan Governor Manuel Mamba at iba pang opisyal.
Kaugnay nito ay nakuha ng Brgy. Nattanzan, Iguig ang 1st place na may premyong P30k at kabilang sa kanilang niluto ay ang dinakdakang kuhol, adobong native na manok na may liver spread at iba pa.
Nakuha naman ng Brgy. Nangalisan, Solana ang 2nd placer na nag-uwi ng P25k habang pumangatlo ang Brgy. Namuccayan Sto, Nino na nag-uwi ng P20k.
Ang lahat ng mga nakisali sa kompetisyon ay nag-uwi naman ng tig P5000 bilang consolation prize.