TUGUEGARAO CITY- All set na umano ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan para sa selebrasyon ng ika-436 Aggao Nac Cagayan na magsisimula June 23 hanggang June 30.
Sinabi ni Atty.Maria Rosario Villaflor,chief of staff ni Governor Manuel Mamba na maraming nakalinyang mga aktibidad sa kabila na nabawasan ang kanilang pondo para sa selebrasyon.
Ayon sa kanya,humigit kumulang sa P6-m ang pondo para sa selebrasyon ngayong taon mula sa P10-m matapos na tapyasan umano ito ng sangguniang panlalawigan.
Sinabi ni Villaflor na bukod sa Tuguegarao City ay may mga isasagawa ding aktibidad sa ibang bayan ng lalawigan.
Kabilang sa mga highlight ng aktibidad sa selebrasyon ang oath taking ni Mamba bilang muling nanalong gobernador,inauguration ng Rizal Park sa Tuguegarao City,bangkareka na dadaluhan ng mga coastal towns, trade fair, concerts at maraming pang iba.
Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Agkakaysa Cagayan,Panalo”.