TUGUEGARAO CITY-Nagsimula na ngayong araw, Pebrero 18, 2021 ang Lungsod ng Tabuk sa apat na araw na Aggressive Community Testing na unang inirekomenda ng Chairman ng IATF-COrdillera kay City Mayor Darwin EstraƱero para matiyak ang kaligtasan ng mamamayan mula sa banta ng covid-19.

Ayon sa LGU-Tabuk, unang sumailalim sa swab test ang tatlong Barangay na kinabibilangan ng Bulanao Norte na may target na 800 katao , Malin-awa at Baliwag na may tig-300 katao na maisailalim sa swab testing.

Bukas, Pebrero 19, isusunod ang Brgy. Bulanao Centro kung saan nasa kabuuang 1,500 na bilang ng mga residente ang sasailalim sa swab test.

Sa araw ng naman Sabado, Pebrero 20, isusunod ang Brgy. Agbannawag, Bado-Dangwa at Casigayan kung saan 1,200 na katao ang sasailalim sa test habang sa araw ng Lunes, Pebrero 22, huling isasailalim ang Brgy. New Tanglag, Dagupan Centro at Dagupan West kung saan 1,100 na residente ang target na maisailalim sa testing.

Prayoridad na isailalim sa testing ang mga nakasalamuha ng mga COVID-19 positive, government workers, mga guro, senior citizen na may comorbidities, tricycle at public utility vehicle drivers, vendors, brgy. officials, health workers, at mga uniformed personnel.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nakasailalim pa rin sa General Community Quarantine (GCQ) status ang lungsod ng Tabuk matapos ang ilang linggo na ECQ dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng covid-19.