Tiniyak ng Department of Agriculture sa publiko na ligtas kainin ang mga ‘agricultural products’ na pumapasok at lumalabas sa Nueva Vizcaya Agricutural Terminal (NVAT).

Sa inilunsad na food safety program, siniguro ng DA-RO2 na pesticides safe ang mga agricultural products na isinusuplay sa mga pamilihan sa Luzon lalo na sa Metro Manila.

Ito ay sa pamamagitan ng mini-laboratory ng DA na magsasagawa ng random sampling sa mga pumapasok at lumalabas na agri-products sa agri terminal para sa pesticides residue testing.

Gamit ang rapid test kits, matutukoy kung akma maximum residue limits ang lebel ng pesticides residue na ginamit sa gulay.

Ang NVAT na matatagpuan sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya ang kauna-unahang agri terminal para sa impelementasyon ng food safety program sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --