Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Agri-Puhunan at Pantawid Program sa Sarangani, Mindanao bilang suporta sa mga lokal na magsasaka.
Layunin ng programa na matulungan ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng pautang na hanggang P60,000 na may mababang interes na 2% kada taon, at monthly cash assistance na P8,000 sa mga benepisyaryo habang naghihintay ng kanilang ani.
Maaaring bayaran ang utang sa pamamagitan ng pagbebenta ng ani sa NFA o DA-accredited cooperatives.
Ayon kay Marcos, ang mga magsasaka ay haligi ng ekonomiya kaya’t nararapat lamang na tulungan sila ng gobyerno.
Ipinagmalaki rin niya ang mga complimentary programs gaya ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) kung saan libo-libong magsasaka at kooperatiba na ang nakinabang.
Tiniyak ng Pangulo na patuloy ang pakikinig at pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng sektor ng agrikultura.