Pormal nang inanunsiyo ni Governor Santiago Cane na ang Agusan del Sur ang magiging host ng Palarong Pambansa 2026.
Ginawa niya ang anunsyo sa closing ceremony ng ika-65 na edisyon ng palaro sa Ilocos Norte.
Tiniyak ni Cane na handang-handa na ang kanilang lalawigan sa pagtanggap ng mga student-athletes, coaches, at delegado mula sa buong bansa.
Aniya, na-upgrade na ang mga sports facilities at kagamitan bilang paghahanda sa naturang pambansang paligsahan.
Dagdag pa niya, pinalalakas din nila ang turismo ng lalawigan upang maisulong ang sports tourism sa rehiyon.
Matagal na raw nilang pinapangarap na maging host ng prestihiyosong palaro.
Aniya, hindi lang ito tagumpay para sa lokal na pamahalaan kundi inspirasyon din para sa mga kabataang atleta ng Agusan del Sur.
Ang Region 13, kung saan kabilang ang Agusan del Sur, ay nagtapos sa ikawalong pwesto sa Palarong Pambansa ngayong taon.