TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 1,000 ang bilang ng mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa rehiyon dos matapos makapagtala ng 72 na bagong kaso.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH)-r02, may pinakamaraming aktibong kaso ang probinsya ng Isabela na 465 sinundan ng Cagayan na may 462, Santiago City na 59, siyam sa Nueva Vizcaya at lima sa Quirino.
Nasa 41 naman ang bagong nakarekober mula sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, umabot na sa 6,213 ang mga gumaling mula sa virus sa buong rehiyon dos.
Isa naman ang bagong nasawi dahil sa nasabing sakit kung kaya’t umabot na sa 125 ang mga namatay matapos mahawaan sa virus.
Sa kabuuan, nakapagtala ang DOH-R02 ng 7,344 na kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon.
Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng pamahalaan na sumunod sa mga nakalatag na health protocols bilang pag-iingat sa virus.