TUGUEGARAO CITY-Karagdagang anim na panibagaong kaso ng covid-19 ang naitala sa lungsod ng tuguegarao kahapon, Setyembre 26, 2020 kung kaya’t pumalo sa 17 ang naitala sa isang araw.
Ayon sa Provincial Health Office, naninirahan sa Alan St., Linao West ang isa sa mga nagpositibo na si CV 1664 kung saan siya ay na-expose at nahawa sa anak na si CV 1529.
Ang 40 taong gulang na ginang ay nakaramdam ng ubo at sipon na nagsimula pa noong September 16 at batay sa resulta ng kaniyang swab test ay positibo sa COVID-19.
Kapatid naman ni CV 1529 ng Alan Street, Linao West ang nahawaan na si CV 1665.
Hindi nakaranas ng anumang sintomas ng virus o asymptomatic ang 40 anyos na ginang.
Anak ni CV 1529 ang sumunod na nagpositibo sa sakit na si CV 1664 ng Alan St. Linao West at siya’y nakaranas ng ubo at sipon simula noong September 16.
Katrabaho sa convenience store ni CV 1526 ang ang isa sa mga nagpositibo na si CV 1666, isang 28 anyos na binata ng Taguinod Street, Linao East, Tuguegarao City.
Nahawaan naman ni CV 1528 ang ama nito na si CV 1667 ng Alan St., Linao West isang 47 taong gulang na lalaki.
Siya ay hindi nakaramdam ng anumang sintomas o asymptomatic.
Isang tindera ng isda si CV 1668 ng Alan Street, Linao St., Linao West na ina ni CV 1528 na walang naranasang sintomas ng virus.
Kaugnay nito, lahat ng nagpositibo sa sakit ay naka-home quarantine habang patuloy ang contact tracing sa mga maaring closed contacts ng mga kinapitan ng virus.
Umakyat na sa 98 ang aktibong kaso ng virus sa Cagayan kung saan karamihan dito ay mula sa Tuguegarao City na pumalo sa 74 active cases ng COVID-19.
Pumangalawa sa bilang ang Lal-lo na may lima at sumunod ang Solana apat habang tig-dalawa kaso naman sa Baggao, Camalaniugan at Gattaran at tig-isa sa Amulung, Buguey,Enrile, Gonzaga, Pamplona, PeƱablanca, Piat at Tuao.