Naaresto ang isang suspek na idinadawit sa maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro na inihain sa Sandiganbayan habang ang anim na iba pa ay sumuko sa pulisya, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Marcos sa social media na ginawa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-aresto habang ang anim na iba pa ay sumuko sa the Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group.

Ayon pa sa Pangulo, ang pito pang ibang akusado ay pinaghahanap pa, kabilang si dating House of Representatives appropriations committee chairperson at resigned Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Hindi pinangalanan ni Marcos ang naaresto na suspek at maging sa mga sumuko o sa mga plano na sumuko.

Batay naman sa mugshots na ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO), ang mga sumuko sa CIDG ay sina:

-- ADVERTISEMENT --

Department of Public Works and Highways Mimaropa (DPWH 4B) Regional Director Gerald A. Pacanan
Assistant Regional Director (now Director of DPWH Bureau of Maintenance) Gene Ryan Alurin Altea
Assistant Regional Director Ruben delos Santos Santos Jr.
Chief, DPWH 4B Construction Division Dominic Gregorio Serrano
Chief, DPWH 4B Maintenance Division Juliet Cabungan Calvo
Project Engineer III Felisardo Sevare Casuno

Hindi naman kinilala ni Marcos at PCO ang indibidual na naaresto ng NBI.