
Pinapaalis na sa pwesto ng Ombudsman si Alamada, Cotabato Mayor Jesus Susing Sacdalan dahil sa kasong Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service.
Base sa resolusyon, si Sacdalan ay napatunayan na lumabag sa batas kaugnay umano sa pagbigay ng permit sa pagpapatayo ng hydropower plant sa Libungan River Watershed Forest Reserve na isang protected area.
Kabilang sa mga ipinataw na parusa kay Sacdalan ay ang dismissal sa serbisyo, permanenteng disqualification para sa reappointment sa gobyerno, forfeiture sa retirement benefits, at iba pang accessory penalties.
Pinapatanggal rin ng Ombudsman ang ilang punong barangay sa Alamada na kasama sa naturang kaso.
Ang kaso ay inihain ni Cotabato Governor Lala Talino-Mendoza, upang maprotektahan ang isang protected area.
Samantala, posible namang umapela si Mayor Sacdalan at ang mga barangay kapitan sa naging hatol ng Ombudsman laban sa kanila.
Si Mayor Sacdalan ay dating Gobernador ng Cotabato Province.




