Tapos na ang halalan, karamihan na sa mga bagong halal na mga opisyal ang naiproklama na.
Ngunit, alam niyo ba kung magkano ang sahod ng mga mga ito na mula sa buwis ng mga mamamayan?
Batay sa datos mula sa Department of Budget and Management, ang mga senador at mga miyemro ng Kamara, kabilang ang district at party-list representatives, ay may Salary Grade 31 o sila ay may sahod na P293,191 hanggang P334,059 kada buwan.
Ang Senate President at House Speaker naman ay may Salary Grade 32 o may sahod na P347,888 hanggang P398,686 buwan-buwan.
Para naman sa mga lokal na opisyal, may itinalagang Salary Grade 30 para sa mga gobernaror, o sila ay kumikita ng P203,200 hanggng P226,319 bawat buwan.
Ang sahod ng city mayors ay depende kung saan sila naka-preside.
Sila rin ay may Salary Grade 30, tulad ng sahod ng mga gobernador.
Ang mga municipal mayors I at II naman ay may Salary Grade 27 hanggang 28, na ibig sabihin sila ay sumasahod ng P142,663 hanggang P178,572 bawat buwan.
Para sa municipal Vice Mayor II ay SG 26 o magsisimula sa P121,146, habang ang municipal vice mayor II naman ay SG 25 o nagsisimula sa sahod na P107,208.
Salary Grade 27 o nagsisimula sa P136,893 ang sahod ng Sangguniang Panlungsod Member II, SG 25 o nagsisimula sa P107,208 ang Sangguniang Panlungsod Member I, SG 25 o nagsisimula sa P107,208 ang Sangguniang Bayan Member II, at SG 24 o nagsisimula sa P94,132 ang Sangguniang Bayan Member II.