Pormal na inihalal bilang bagong Senate President si Senator Alan Peter Cayetano matapos ang ginanap na botohan sa plenary session ng Mataas na Kapulungan nitong Lunes, Mayo 11.

Sa kabuuang 24 na senador na dumalo, nakakuha si Cayetano ng 13 boto, sapat para talunin si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakakuha naman ng 9 na boto. Dalawang senador ang nag-abstain sa botohan.

Si Cayetano na ang ikaapat na Senate President sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Matatandaang nagsimula ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri, na sinundan ni Senator Francis “Chiz” Escudero noong 2024, at ni Sotto noong 2025.

Naganap ang pagbabago sa liderato ng Senado sa gitna ng mainit na usapin kaugnay ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang dadalhin sa Senado ang impeachment case sakaling makakuha ito ng kinakailangang boto mula sa Mababang Kapulungan para sa impeachment trial.