Nabigo ang Womens Volleyball team ng bansa na Alas Pilipinas sa kamay ng Kazakhstan sa kanilang semifinals ng 2024 AVC Challenge Cup.

Nakuha ng Kazakhstan ang score na 25-23, 25-21, 25-14 sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.

Ito ang unang pagkatalo ng Alas Pilipinas sa apat na magkakasunod na panalo sa Pool A.

Pinangunahan ni Team captain Sana Anarkulova ang Kazakhstan na nagtala ng 19 points habang si Svetlana Nikolayeva ay mayroong 11 points.

Dahil sa pagkatalo ay may tsansa pa ang Alas Pilipinas para sa third runner-ups laban sa Australia habang ang Kazakhstan ay makakaharap ang Vietnam para sa gold medal match.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat natalo ay kuwalipikado pa rin ang Alas Pilipinas sa FIVB Challenger Cup sa buwan ng Hulyo na ang host ay ang bansa.