Natalo ang Alas Pilipinas men’s volleybal team laban sa China sa kaninang umaga sa pagsisimula ng AVC Challenge Cup sa core na 19-25, 22-25, 22-25 sa Isa, Bahrain.
Hindi naging sapat ang naging laro ng koponan ng bansa para talunin ang China.
Hindi nakasama ng Filipino spikers sa nasabing laro ang kanilang top player na si Bryan Bagunas bunsod ng kanyang commitment sa Taiwan.
Sumandal ang Alas sa trio na sina Jau Umandal, Marck Espejo, at Leo Ordiales sa unang Pool A game.
Nagtala ng tig-10 points sina Umandal at Ordiales na kapwa may 10-of-19 attacking clip, habang nag-ambag naman walong puntos si Espejo.
Sinabi ni Espejo, ang team captain na mahirap ang nasabing laban at ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya subalit nagkulang at marami silang pagkakamali.
Samantala, bumalik sa national team si Setter Owa Retamar na nanguna sa offense ng team at nagtala siya ng dalawang puntos.
Nagbigay naman ng limang puntos si Kim Malabunga.
Sunos na makakalaban ng Alas ang Bahrain bukas ng umaga, oras sa Pilipinas.
Kailangan na manalo ang Alas upang makausad sila sa quarterfinals.