Pumanaw na si Albay 1st District Representative at Pangulo ng Liberal Party (LP) na si Edcel Lagman sa edad na 82.

Ito ay kinumpirma ng kanyang anak na si Tabaco City Mayor Krisel Lagman sa isang pahayag na ipinadala sa mga mamamahayag ng House of Representatives bandang alas-7 ng gabi ngayong Huwebes.

Pumanaw si Lagman sa oras na alas-5:01 ng hapon dahil sa cardiac arrest.

Ayon kay Tabaco City Mayor Krisel Lagman, sa huling sandali ng kanyang ama, ito ay napalibutan ng kanyang mga anak, mga kapatid, at mga miyembro ng pamilya.

Si Albay 1st District Representative at Pangulo ng Liberal Party (LP) Edcel Lagman, ay naging isang human rights lawyer at ipinagmamalaki ang kanyang pagiging “independent minority” na mambabatas sa 19th Congress.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Setyembre 2022, siya ay nahalal bilang pangulo ng dating namumunong Liberal Party.

Aktibo si Rep. Lagman sa pagtatanggol ng kanyang pinakamahalagang panukala, na Absolute Divorce Bill, sa unang bahagi ng 2024.

Iniulat na siya ay nagkasakit sa huling bahagi ng taon, bagaman hindi ito kinumpirma ng kanyang pamilya.