Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension laban kay Albay Governor Edcel Grex Lagman dahil sa pagkakasangkot umano nito sa illegal numbers game na jueteng.

Kinumpirma ito mismo ni Lagman sa isang Facebook post kung saan inamin nito na inaasahan na niya ang nasabing suspension order.

Gayunman, sinabi ni Lagman na lalabanan niya ang preventive suspension dahil wala umano itong legal na batayan.

Dagdag niya, kahina-hinala ang inilabas na preventive suspension order dahil sa papalapit na eleksiyon

Sa ngayon, si Vice Governor Glenda Ong Bongao ang acting governor ng Albay.

-- ADVERTISEMENT --