
Nagbalik ng P71 million si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer Henry Alcantara sa Department of Justice bilang bahagi ng restitution process sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control project.
Sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon, unang tinanggap na provisional witness si Alcantara sa Witness Protection Program at ngayon at kuwalipikado na siyang maging state witness.
Idinagdag ni Fadullon na may obligasyon si Fadullon na tumestigo para sa estado sa mga kaso na saklaw nng kanyang memorandum of agreement sa ahensiya.
Ang ibinalik na pera ni Alcantara ay bahagi ng P300 million na kailangan niyang ibalik sa pamahalaan.
Una siyang nagbalik ng P110 million nitong nakalipas na buwan.
Kasama ni Alcantara na tinanggap na provisional witness sa WPP sina dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo, at DPWH NCR Regional Director Gerard Opulencia.










