TUGUEGARAO CITY – Nakakahiya at nakakalungkot umano ang mga nangyari kahapon sa eleksion ng mga opisyal ng Philippine Councilors League o PCL.
Sinabi ni Tuguegarao Councilor Maila Ting Que, president ng PCL Cagayan na hindi niya inasahan na magkakaroon ng mga alegasyon ng vote-buying sa nasabing eleksion.
Nakadagdag sa problema ang pumalpak ang service provider sa sistema na gagamitin sana sa eleksion.
Sinabi ni Que na ipinag-utos na ng board ang imbestigasyon sa service provider ukol sa nasabing insidente.
Bukod dito, nakakadismaya din aniya ang nangyari kagabi na maging ang mga inimbitahang entertainers ay sinaktan na nagbunsod ng matinding gulo.
Dahil dito, sinabi ni Que na napilitan ang Department of Interior and Local Government na ideklara ang failure of election.
Sinabi ni Que na may binuo nang adhoc committee na maghahanda para sa pagtatakda ng panibagong schedule ng elecion matapos na ihayag ng DILG na gagawin ito sa loob ng 60 days.