Patuloy sa paggawa ng kasaysayan si Alex Eala matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA 125 title.

Tinalo ni Eala si Panna Udvardy ng Hungary sa finals ng Guadalajara 125 Open, 1-6, 7-5, 6-3, na ginanap nitong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas).

Bukod sa kanyang unang WTA trophy, ito rin ang unang pagkakataon na isang Pilipina ang nagwagi ng titulo sa WTA tour, isang makasaysayang tagumpay para sa bansa.

Matatandaang noong Hunyo, naging unang Pilipina rin si Eala na umabot sa final ng isang WTA tournament sa Eastbourne Open, ngunit nabigo laban kay Maya Joint.

Kamakailan lang ay gumawa rin siya ng kasaysayan sa US Open matapos maging unang Pilipina na nanalo sa isang Grand Slam main draw match nang talunin niya si Clara Tauson ng Denmark sa unang round.

-- ADVERTISEMENT --