
Hindi napanatili ni Alex Eala ang kanyang malakas na panalo sa first set, at natalo kay American Alycia Parks sa 2026 Australian Open first round sa score na 6-0, 3-6, 2-6.
Naging maganda ang simula ni Eala sa first bago siya natalo sa huling dalawang sets.
Pinalakas ni World No. 100 Parks ang kanyang momentum sa decider na may 3-1 start bago ang one-point deficit ni Eala sa crucial na fifth game win.
Nakumpleto ni Parks, 25 anyos ang kanyang comeback mula sa 30-40 sa seventh game para umabante sa panalo sa 5-2.
Tunapos ni Eala na World No. 49 ang kanyang huling stand, ang kanyang pagbabalik mula sa 0-30 defecit sa eighth game at nakapagtala ng dalawang break points.
Nakabawi si Parks sa match point sa malakas niyang forehand hit, na sinundan ng sharp serve na hindi naibalik ni Eala.
Tumagal ang laro nina Eala at Parks sa loob ng isang oras at 56 na minuto.
Sunod na makakaharap ni Parks sa susunod na round si Karolina Muchova ng Czechia.










