
Nagtapos na ang kampanya ni Alex Eala sa US Open matapos siyang talunin ng kaibigan at American star na si Iva Jovic, 7-5, 3-6, 7-5, sa third round sa Arthur Ashe Stadium sa New York.
Matapos manalo sa second set at maitabla ang laban, nakalamang pa si Eala ng 4-2 sa deciding set. Gayunman, nakabawi si Jovic at naitabla ang laban bago tuluyang kunin ang dalawang huling games para selyuhan ang panalo.
Ito na ang ikatlong sunod na pagkatalo ni Eala kay Jovic matapos ang kanilang mga laban sa French Open at HSBC Championship ngayong taon. Tumagal ng tatlong oras at tatlong minuto ang kanilang matinding laban.
Sa kabila ng pagkatalo, kabilang ang US Open run na ito sa pinakamalalaking kampanya ni Eala sa Grand Slam matapos niyang unang umabante sa third round ng torneo.










