Ibinuhos ni Alexandra “Alex” Eala ang kanyang lakas sa 2025 Southeast Asian Games matapos na manalo siya laban kay Mananchaya Sawangkaew ng Thailand sa score na 6-1, -6-2 sa gold medal match.

Ito ang unang gold medal ni Eala sa Southeast Asian Games at ang kanyang pangatlong medalya ngayong taon matapos na makuha ang dalawang bronze sa women’s team event at mixed doubles.

Matatandaan na noong 2021, nagtapos lamang si Eala sa bronze medal sa women’s single event.

Ito rin ang pangatlong gold medal ng Pilipinas sa SEA Games women’s tennis matapos ang panalo ni Pia Tamayo noong 1981 at Maricris Fernandez noong 1999.