
Pasok na sa Round of 16 ng Miami Open ang Filipino tennis star na si Alex Eala matapos ang kanyang straight-set victory laban kay Magda Linette nitong Linggo ng umaga, Marso 22.
Sa unang set pa lamang ay agad na kinontrol ni Eala ang laban matapos makuha ang 6–3 panalo.
Nagpatuloy ang kanyang agresibong laro sa ikalawang set, ngunit nakabawi si Linette para umabot sa tiebreak.
Sa dikitang laban sa Round of 32, nanaig si Eala sa tiebreak upang tuluyang selyuhan ang panalo sa iskor na 6–3, 7–6(2).
Susunod niyang makakaharap si Karolina Muchová ng Czech Republic sa Round of 16, ang kauna-unahan nilang pagtatapat sa WTA tour.
-- ADVERTISEMENT --










