
Pasok sa finals ng Mubadala DC Open si Filipina tennis star Alex Eala matapos talunin ang third-seeded na si Naomi Osaka ng Japan sa iskor na 6-4, 6-2. Nakuha ni Eala ang kontrol ng laban matapos ma-break si Osaka sa ikasiyam na laro ng unang set bago tuluyang dominahin ang ikalawang set upang makuha ang panalo sa loob ng 76 minuto.
Sa finals, makakaharap ni Eala ang top-seeded na si Jessica Pegula ng Estados Unidos na nanaig laban kay Diana Shnaider ng Russia sa iskor na 7-5, 6-4. Target ni Pegula ang kanyang ikatlong titulo ngayong taon at ikalawang kampeonato sa Washington.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umabot si Eala sa finals ng isang WTA tournament, at sisikapin niyang makuha ang unang titulo sa kanyang propesyonal na karera. Magiging rematch din ito ng kanilang paghaharap ni Pegula sa semifinals ng 2025 Miami Open, kung saan nanaig ang Amerikanang manlalaro.










