
Muling pinatunayan ni Alexandra “Alex” Eala ang kanyang husay matapos talunin si Alina Charaeva sa straight sets, 6-1, 6-2, sa Philippine Women’s Open na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex nitong Lunes ng gabi.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapaglaro si Eala ng isang professional match sa harap ng home crowd sa Maynila, at hindi niya sinayang ang pagkakataon.
Mabilis na kinontrol ng Filipino tennis star ang unang set sa score na 6-1.
Mas lumaban si Charaeva sa ikalawang set at nakuha ang unang dalawang laro, ngunit agad ding bumawi si Eala at nabawi ang momentum ng laban.
Kahit pa humiling ng medical timeout, nanatiling kalmado at dominante si Eala sa kanyang pagbabalik sa court at tuluyang isinara ang laban upang umusad sa Round of 16.
Sa susunod na yugto ng torneo, makakaharap ni Eala ang mananalo sa laban ng mga Haponesang sina Nao Hibino at Himeno Sakatsume.










