Hinatulang guilty ng korte sa Pasig City kanina si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa kasong qualified trafficking at may parusa siya na reclusion perpetua o hanggang 40 taon na pagkakakulong.

Dumalo si Guo sa promulgation online, dahil siya ay nakakulong sa Pasig City Jail Female Dormitory.

Kinasuhan si Guo sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamyendahan ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

Ang kaso ay may kaugnayan sa pagsalakay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa bayan ni Guo noong June 2024, kung saan mahigit 800 Filipinos at mga dayuhan ang nailigtas.

Noong September 2024, nag-plead guilty si Guo sa mga nasabing kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Atty. Nicole Jamilla, isa sa kanyang mga abogado, na itinatanggi ni Guo ang mga alegasyon laban sa kanya.