Naibalik na sa bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos itong maaresto sa Indonesia.
Sinamahan siya nina Interior Sec. Benhur Abalos at Philippine National Police Chief Rommel Marbil.
Bandang ala-1:00 ng madaling araw lumapag ang sinasakyang private plane ni Guo.
Una itong naitakda kahapon, ngunit dahil sa ilang pagsasa-ayos ng proseso sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia ay bandang gabi na nakaalis ang team na sumundo sa sinibak na alkalde.
Matatandaang May 22, 2024, huling nakita sa Pilipinas ang dating alkalde nang humarap siya sa Senado ukol sa imbestigasyon ukol sa kaugnayan nito sa POGO operations.
Naaresto siya ng mga awtoridad sa isang hotel sa Jakarta ng madaling araw noong Miyerkules.
Nahaharap sa mga kasong qualified human trafficking at money laundering, at wanted din siya sa Senado dahil sa kabiguan na dumalo sa mga pagdinig kaugnay sa pagkakasangkot umano nito sa Philippine offshore gaming operators (Pogo).