Patuloy ang paghahanap kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at maging sa mga taong tumulong sa kanyang pagtakas palabas ng bansa.

Binigyan diin ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat na managot ang Bureau of Immigration at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagtakas ni Guo.

Sinabi ni Gatchalian na nakakahiya para sa bansa ang nakalusot sa mata ng mga otoridad si Guo.

Si Guo, na pinaniniwalaan na isang Chinese national na si Guo Huang Ping ang sentro ng imbestigasyon ng Senate committee on women matapos na masangkot ang kanyang pangalan sa illegal Philippine offshore gaming operator o Pogos sa kanyang bayan.

Ipinag-utos ng Senado ang pag-aresto kay Guo matapos na mabigo na dumalo sa mga pagdinig.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, sinabi ni Senator Risa Hontiveros kahapon na iligal na lumabas ng bansa si Guo patungong Malaysia at sa Singapore noong Hulyo batay sa intelligence information na ibinigay sa kanila ng kanilang counterparts sa abroad.

Sa kabila nito, ikinokonsidera ni Gatchalian ang pagtakas ni Guo na “temporary setback” at magpapatuloy ang mga reklamo laban sa kanya kahit wala siya ng personal.

Ayon sa kanya, sa sandaling may progreso na ang kanyang kaso, isasailalim sa extradition ang tinanggal na mayor sa bansa upang harapin ang mga alegasyon at posibleng pagpapataw sa kanya ng parusa.