Nakatakda umano dumating sa bansa mamayang gabi si Alice Guo mula sa Indonesia, sakay ng chartered flight.
Sinabi ni Senator Raffu Tulfo, inaasahang darating sa bansa mula sa Jakarta si Guo mamayang 6:18 ng gabi sakay ng chartered flight RP-C6188.
Ayon kay Tulfo, kasama ni Guo sa nasabing flight sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police Chief PGen. Rommel Marbil
Ang repatriation ni Guo ay kasunod ng kanyang pagkakaaresto sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia noong madaling araw ng Miyerkules.
Si Guo ay may oustanding earret order sa Senado dahil sa kabiguan nito na dumalo sa pagdinig sa kabila ng mga ipinadala na abiso sa committee on women noong July 10.
Sinabi ng Office of the Sergeant-at-Arms ng Senado na sa sandaling nasa bansa na si Guo, isasailalim muna siya sa proseso sa Bureau of Immigration, ililipat sa National Bureau of Investigation, at ipapasakamay sa Senado katulad ng ginawa kay Shiela Guo na umano’y kapatid ni Alice.
Posibleng magkakasama ang dalawa sa iisang detention room sa Senado