TUGUEGARAO CITY-Nakasalalay umano sa Municipal Mayors ang suspensyon ng klase sa kanilang mga nasasakupang lugar dahil nararanasang pag-ulan sa probinsya dahil sa Tropical Storm “Nimfa” .
Sa inilabas na pahayag mula sa opisina ni Gov. Manuel Mamba, ipinapasakamay ang pagsuspinde ng klase sa mga municipal mayors dahil sila ang mas nakakaalam sa kondisyon ng kanilang lugar.
Kaugnay nito, nasa Red Alert status na ang Cagayan Provincial Climate Change and Disater Risk Reduction Management Office bilang paghahanda sa pagtaas ng tubig sa Cagayan river.
Una na ring nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD)Region 2 sa pamamagitan ni Bryan De vera na magsagawa na ng pre-emptive evacuation lalo na ang mga nasa mababang lugar dahil sa inaasahang pagtaas Cagayan river.
Ayon kay De vera, ito’y para masiguro ang kaligtasan ng lahat at para maiwasan ang anumang insidente.
Samantala, sa naging post naman ni Father Ranhilio Aquino ang Vice President for Administration and Finance ng Cagayan state university sa kanyang facebook account suspendido ang klase sa lahat ng campuses ng CSU.
Nagdeklara na rin ng suspensyon ng klase mula pre-school hanggang senior high school si Baggao Mayor Joan Cabildo Dunuan dahil sa pa rin sa nararanasang pag-ulan.