Mag-iimbestiga ang House Committee on Legislative Franchises sa alegasyon ng pagbebenta ng shares sa solar power company ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, Solar Para sa Bayan Corp. (SPBC), nang walang pahintulot ng Kongreso, kung may isusumiteng pormal na resolution.

Ayon sa House officials, ang imbestigasyon ay maaari lamang isagawa kapag may resolusyon na opisyal na ipinasa sa komite.

Ang pagsisiyasat ng Kongreso ay hindi rin naaapektuhan ng imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay ng parehong usapin.

Nilinaw naman ng Meralco PowerGen Corp. (MGEN) na hindi sila bumili ng shares mula sa SPBC.

Ang kanilang investment ay sa hiwalay na kumpanya, ang SP New Energy Corp. (SPNEC), na hiwalay sa SPBC at hindi nakadepende sa 25-taong prangkisa ng Solar Para sa Bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Kung matukoy na may paglabag sa prangkisa, maaaring maging dahilan ito para ito ay pawalang-bisa.