Itinuturing na tagumpay ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang pagsasabatas sa Kabalikat sa Pagtuturo Act na layong i-institionalize ang pagbibigay ng teaching allowance para sa mga pampublikong guro.
Ayon kay Castro, malaking ginhawa sa mga guro ang P10K na teaching allowance kada taon na magsisimula sa school year 2025-2026 dahil kulang ang kasalukuyang P5K na ibinibigay.
Sa loob ng 13 taon, itinutulak ng ACT ang pagsasabatas ng panukala na unang inihain noong 15th Congress at tuluyang naisabatas ngayong 19th Congress kung saan matagal nang gumagastos ang mga guro ng kanilang sariling pera para sa pagbili ng school supplies.
Umaasa naman si Castro na mapapaangat ng naturang batas ang kalidad ng edukasyon sa bansa gayundin ang economic wellbeing ng nasa humigit-kumulang 800K teaching personnel na makikinabang sa naturang batas.